Huwebes, Enero 12, 2012

          Bilang isa sa mga kabataan marami rin akong mga problemang kinakaharap. Mga problemang medyo may kabigatan na. Hindi mo naman masasabi na wala kang problema dahil natural lang yan sa buhay ng tao. Siyempre hindi naman maari na baliwalain ko lamang ang aking mga problema dahil sabi nga nila "Ang problema ay parang isang damo, hanggat hindi mo ito tatanggalin o tinatangal, tutubo ito at magdudulot ng hirap sa iyong daraanan".
         Linulotas ko ang aking mga problema sa pamamagitan nang una, pagdarasal. Ipanagdarasal ko muna sa Panginoon na sana ay malampasan at mabigyanng kasagutan ang mga problemang aking kinakaharap. Pangalawa, ay ang pagtatanong o pagkonsulta ko sa aking mga magulang nang mga maaring sagot sa mga problema ko, dahil alam ko dumaan narin sila sa kalagayan ko, dahil naging isa rin sila sa mga kabataan kagaya ko na dumadaan sa mga problema o suliraning patungkol sa kabataan. Pangatlo o huli kung gagawin ay ang pag-iisip gamit ang sariling isip kung paano ko malulutas ang aking mga problema gamit ang mga sagot at payo na nakuha ko sa aking mga magulang at sa Panginoon.
         Pag nalampasan ko na ang aking mga problema o suliranin. Unang-una kung gagawin ay ang mag dasal at magpasalamt sa Panginoon at pagkatapos ay sa aking mga magulang. Naniniwala ako na hindi nawawala ang problema sa buhay nang tao, sa halip ay napapa-tibay pa nito ang paniniwala nang isang tao sa Panginoon at sa kapwa tao.








Christian Jay Selehencia

3 komento:

  1. checked,
    ‘linutas’???

    ‘mga’ kabataan???

    TumugonBurahin
  2. Sa aking palagay sa ngayon kakaunti nalang ang kabataang ganyan, dahil sa nakadepende na sila sa ibang tao kaya hindi na nila nagagawa ang kanilang mga gawain at hindi na nila alam ang tama't mali dahil sa unti-unting pagbabago sa kapaligiran.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ang kabataan kasi ngayon, hindi na katulad ng kabataan noon syempre marami ng nagbabago, naiimpluwensyahan sila ng kung ano ang nakapaligid sa kanila.

      Burahin