Martes, Enero 17, 2012

         Maraming karanasan ang mga kabataan halimbawa nito paglalaro, pinapagalitan ng mga magulang. Masarap maging bata kaya wag nating sayangin ang panahon na tayo ay bata, dahil sa paglaki natin mahirap na natin maranasan magin bata.
         Para sa akin ang maging bata ay masaya dahil nagagawa ng mga kabataan kung ano ang gustuhin nila, malaya silang makipaglaro sa mga ibang bata o magkaroon ng ibang kaibigan.
         Meron ding karanasan ang mga kabataan kagaya ko hindi basta-basta magagawa ang mga gawain na hindi maganda dahil maraming pigil sa atin lalo tayo mga kabataan kayrami mga limetasyon sa buhay, kaya dapat nating sanayin ang ating sarili na hindi, dapat sa lahat ng oras ay laro lamang meron ding gawain na makakatulong sa ating mga magulang.
        Ang mga kabataan ay napakaraming karanasan sa buhay, kaya tayong mga kabataan bahala ang pagiging bata dahil sa ating paglaki ay hirap ng ibalik ang dating  gawain dahil panahon na tayo naman ang maggawa ng bata.








Francis Tejada
          Masaya ang magingbata, marami ang karanasan ang isang bata, minsan lang tayo magin bata, kaya lubusin natin ang panahon na tayo ay bata, dahil sa ating paglaki mangyaring hindi na tayo makabalik sa dating gawi.
         Para sa akin ang maging bata ay masaya, dahil ibat-iba nag mga karanasan na aking pinagdaanan, masaya ako dahil naranasan ko na magkaroon ng mga kaibigan, ibat-ibang kaibigan na naging parti na sa aking buhay.
       Sa aking pagkabata naranasan ko rin ang sakit na ibinigay sa akin ng aking mga magulang, pero naiintindihan ko yon, dahil ang mga pasakit na yon ay para sa aking ikabubuti, at para sa aking magandang buhay at kinabukasan.
       Masaya ang karanasan ng isang bata, minsan lang sa buhay natin ang maging bata kaya dapat natin itong pahalagahan.








Edmund Engcoy

Huwebes, Enero 12, 2012

          Bilang isa sa mga kabataan marami rin akong mga problemang kinakaharap. Mga problemang medyo may kabigatan na. Hindi mo naman masasabi na wala kang problema dahil natural lang yan sa buhay ng tao. Siyempre hindi naman maari na baliwalain ko lamang ang aking mga problema dahil sabi nga nila "Ang problema ay parang isang damo, hanggat hindi mo ito tatanggalin o tinatangal, tutubo ito at magdudulot ng hirap sa iyong daraanan".
         Linulotas ko ang aking mga problema sa pamamagitan nang una, pagdarasal. Ipanagdarasal ko muna sa Panginoon na sana ay malampasan at mabigyanng kasagutan ang mga problemang aking kinakaharap. Pangalawa, ay ang pagtatanong o pagkonsulta ko sa aking mga magulang nang mga maaring sagot sa mga problema ko, dahil alam ko dumaan narin sila sa kalagayan ko, dahil naging isa rin sila sa mga kabataan kagaya ko na dumadaan sa mga problema o suliraning patungkol sa kabataan. Pangatlo o huli kung gagawin ay ang pag-iisip gamit ang sariling isip kung paano ko malulutas ang aking mga problema gamit ang mga sagot at payo na nakuha ko sa aking mga magulang at sa Panginoon.
         Pag nalampasan ko na ang aking mga problema o suliranin. Unang-una kung gagawin ay ang mag dasal at magpasalamt sa Panginoon at pagkatapos ay sa aking mga magulang. Naniniwala ako na hindi nawawala ang problema sa buhay nang tao, sa halip ay napapa-tibay pa nito ang paniniwala nang isang tao sa Panginoon at sa kapwa tao.








Christian Jay Selehencia
          Bilang isang kabataan ay marami nang karanasan ang tumatak sa aking isipan. Kabilang na dito ang mga iba't-ibang suliranin na dapat harapin ng matatag at positibo upang malutas mo ito ng walang pag-aalinlangan. Maraming mga pagsubok ang karaniwang nararanasan ng mga kabataan ngayon at isa sa na rito ay ang pangpinansyal na kung minsan ay humahantong sa paggawa ng masama. Impluwensya ng medya na niimpluwensyahan tayo sa pamamagitan ng mga bagong teknolohiya na ating nagagamit sa pang-araw-araw at sa impluwensya ng mga napapanood natinsa telebisyon, impluwensya ng mga kaibigan na nakakaimpluwensya rin sa atin.






Sachiko Jaudian

          Bilang isang kabataan, hinaharap ko ang aking mga problema sa pamamagitan ng pagsasaayos at pag-uunawa nit ng maayos. Alam naman natin na bawat problema ay nakakapekto sa ating sarili at dahil dyan ang iba ay nag rerebelde at nag lalayas na lamang, kaya para sakin, di dapat nilalayuan ang mga problemang ito, at haharapin ng buong tapang  upang maresulba ang problema.
         May paraan pa bang sagipin ang kabataan sa ikinaharap nila ngayon? Para sakin, malaking malaki ang pag-asa.Kung pag-uusapan ang problemang pangkalahatan, tanging pag-asa lamang ay pagtutulungan.. Mga pangunahing dahilan ng problema ay kakulangan sa kaalaman, makasarili, at di marunong mang-unawa. Kaya sama-sama nating isalba ang ating bayan laban sa mga problemang kinakaharap natin ngayon."Kabataan ang natatanging pag asa, kaya sa isat isa lamang tayo aasa".




Ralph Richard Julaily